Ilang drag queen na may dugong Pinoy ang magbabalik sa  "Rupaul's Drag Race All Stars" Season 6.

Sa Star Bites ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing kabilang si Jiggly Caliente sa mga nakabalik sa naturang reality TV competition.

Unang lumahok si Jiggly sa Season 4 ng "Rupaul's Drag Race All Stars."

Natuwa naman ilang fans dahil represented ang mga Pilipino sa paligsahan.

Bukod dito, may dugong Pinoy din ang ilang returning queens din tulad nina Ongina ng All Stars Season 5 at Manila Luzon ng All Stars Seasons 1 at 4.--Jamil Santos/FRJ, GMA News