Babae ang magiging anak nina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Sa Instagram, nag-post ang beauty queen ng video tungkol sa paglalahad ng gender ng kanilang magiging panganay.

Mapapanood sa video na nakapikit at may hawak na pausok ang dalawa. Nang pink na usok ang lumabas, indikasyon na babae ang baby.

 

Hindi na rin napigilan ni Rachel na maging emosyonal.

Nitong nakaraang buwan nang ibahagi ni Rachel ang kaniyang pagbubuntis.

Naging engaged ang dalawa noong 2019, pero ipinagpaliban nila ang kasal dahil sa COVID-19 pandemic. — FRJ, GMA News