Umani ng libo-libong likes ang beach photos nina Rita Daniela at Ken Chan na mala-prenup dahil sa kilig vibes nilang hatid.

Sa Instagram ni Ken, makikita ang sweetness nila ni Rita sa kanilang mga larawan para sa kanilang upcoming Kapuso serye na "Ang Dalawang Ikaw."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

"Hindi biro ang mga pinagdaanan namin para makabuo ng isang napakagandang serye. Naglaan kami ng panahon at oras para makalikha ng isang istoryang magbibigay aral sa inyong lahat," caption ni Ken sa isa nilang photo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Nag-post din si Rita ng mga kaparehong larawan sa kaniyang Instagram.

"Ang Dalawang Ikaw" ay tatalakay sa paksa ng mental health, partikular ang dissociative identity disorder. – Jamil Santos/RC, GMA News