Dobleng dagok sa buhay ang sinapit ng isang ginang na matapos makunan sa ikatlo sana niyang anak, natuklasan naman na positibo siya sa COVID-19 nang isailalim sa swab test bago sana siya raspahin sa pagamutan.

Kuwento ng ginang kay Willie Revillame nang matawagan para sa "Wowowin-Tutok To Win," hindi na natuloy ang pagraspa sa kaniya dahil sa pagiging COVID-19 positive niya at inilagay na kaagad siya sa isolation facility.

Hirap din daw ang kalagayan ngayon ng kaniyang pamilya na naka-quarantine lahat. Kaya naman si Kuya Win, naisip na dagdagan ang regalong ibibigay sa kaniya. Panoorin ang buo niyang kuwento sa video sa itaas. --FRJ, GMA News