Labis ang pasasalamat ni Shanelle Agustin na makasama siya sa cast ng upcoming Kapuso series na "The World Between Us," na pagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Sa naturang serye, gaganap ang newbie na Kapuso bilang batang karakter ni Jasmine Curtis-Smith.

Sa "In The Limelight," ipinakita ang teaser ng "The World Between Us," at ang nakakakilig na eksena ng mga karakter nina Shanelle at Will Ashley, ang gaganap na batang karakter naman ni Alden.

“It's really an honor to be part of this teleserye dahil makakasama ko ang mga big star na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Miss Jaclyn Jose and Dina Bonnevie," sabi ni Shanelle.

“Nage-enjoy lang kami sa set, dahil sobrang bait ni Direk Dominic Zapata and buong prod kaya no pressure, ang dali lang magtrabaho.”

Bilang isang newbie na Kapuso, pangarap ni Shanelle na maging isang versatile na aktres.

Natupad naman agad ang kaniyang pangarap na maging bida dahil sa role niya sa "The World Between Us."

"Bata pa lang ako pangarap ko nang makita 'yung sarili ko sa TV na uma-acting," sabi niya.

Naging bahagi na rin si Shanelle ng GTV mystery romance series na "Love You Stranger" na pinagbidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.--FRJ, GMA News