Maraming celebrity ang naghihikayat sa publiko na maging fit and healthy. Pero sa sitwasyon ng komedyanteng si Bearwin Meily, sinasabing ang pagpayat niya ang naging dahilan para unti-unting tumamlay ang kaniyang career sa showbiz.

Nagsimula si Bearwin bilang alalay ng aktor na si John Estrada, hanggang sa madiskubre na ang kaniyang talento sa pagpapatawa kaya nabigyan ng break sa sitcom.

Mula noon, napanood na siya sa iba pang programa at maging sa mga pelikula.

Pero isang araw, nawala na siya sa sirkulasyon ng showbizness.

"Nawala yung pag-a-artista kasi payat na raw ako, hindi na raw ako nakakatawa," saad ng komedyante sa isang episode ng "Tunay Na Buhay."

"Ang pogi ko na raw po sa personal di ba? Nasasapawan ko raw si John Lloyd di ba, saka yung mga bida." So eh di sige cinematic 'yan eh. Ok gusto nila mataba, nawalan yon," patuloy niya.

Matapos mawala sa showbiz, saan na nga ba napunta ang direksiyon ni Bearwin? Tunghayan ang buong kuwento at hangaan ang katatagan ng pananampalataya sa Diyos ng aktor.

--FRJ, GMA News