Kapuso na rin ang award-winning actress na si Bea Alonzo!

Ito ang inanunsyo ng Kapuso Network sa kanilang social media nitong Huwebes.

"She is #ProudToBEAKapuso ?? Welcome to GMA Network, Bea Alonzo!" caption ng post bilang pag-welcome kay Bea.

Nitong linggo, inilahad ng GMA-7 na isang award-winning actress at isa sa mga pinakamalalaking artista sa showbiz industry ang sasali sa roster ng kanilang mga talent.

Nakatakdang bumida si Bea kasama si Alden Richards sa isang pelikula na inspired ng Japanese series na "Pure Soul," na nagkaroon ng remake bilang hit South Korean movie na “A Moment to Remember.”

Ilan sa mga Kapuso na nag-welcome kay Bea ay sina Richard Yap, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Camille Prats, Ruru Madrid at Barbie Forteza. —LBG, GMA News