Ikinasal na ang aktres na si Ara Mina sa nobyong si Dave Almarinez nitong Miyerkoles. Ginanap ang kasal sa isang chapel sa Baguio City.

Sa artikulo ni Arniel C. Serato sa PEP.ph, sinabing ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses, na nasilbing little bride at yumakap sa kaniyang stepdad na si Dave, undersecretary ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Hindi naman daw napigilan ni Ara na maiyak habang naglalakad papuntang altar.

Sampung pares umano ng mga ninong at ninang sa kasal na mga bigatin ang pangalan sa larangan ng pulitika, negosyo, at showbiz.

Kabilang sa kanila ang mag-asawang si dating Senate President Mannny Villar Jr. at Senator Cynthia Villar;  mag-asawang Ralph Recto at Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto; pati na sina Sens. Bong Go at Richard Gordon, at iba pa.

Kasama naman sa mga principal sponsor sina Sharon Cuneta-Pangilinan, GMA executive Redgie Magno, mga film producers na si Dondon Monteverde at Vic del Rosario Jr., at iba pa.

Wala umano sa mismong seremonya sina Vilma, Sharon, Cory, Redgie, at Boss Vic.

Nandoon naman ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes na isa sa Matrons of Honor.

Ang natoka sa veil ay ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay, na kapatid ni Ara.

Na-engage sina Ara at Dave noong January 2021 lamang at unang nilang binalak na magpakasal noong Abril.--FRJ, GMA News