Isa na ring Kapuso ang iconic na direktor at starmaker sa showbiz industry na si Johnny Manahan, na mas kilala bilang si Mr. M.

Ito ang inanunsyo ng GMA Network sa kanilang pag-welcome kay Mr. M bilang pinakabagong miyembro ng Kapuso family nitong Martes, Hulyo 13.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Sa isinagawang online contract signing, sinabi ni Mr. M na ang pakikipagtrabaho sa Kapuso Network ay isang "homecoming of sorts."

"I'm very happy that Atty, [Felipe] Gozon and the rest of the executives have given me this chance and opportunity to work with GMA-7 and become a Kapuso," sabi ni Mr. M.

Ayon kay Mr. M, hindi siya "exactly a stranger to GMA."

"This is like a homecoming of sorts and I’m very proud," pagpapatuloy niya.

Sinabi ni Mr. M na pinapamilyar na ng kaniyang team ang GMA Artist Center, at idinagdag na excited siyang makatrabaho ang mga promising artists nito.

"Ang main aim is to develop a new breed of GMA artists... Kung ano pa 'yung kulang sa kanila, we hope to develop that and give them a brighter shine. So abangan niyo, mga Kapuso," sabi ni Mr. M sa GMA reporters.

"Maybe in six or seven months meron na kaming bagong mga artista sa GMA, and to the other artists who have been there a long time, I think I can learn from them, and I hope they can learn from us, also."

Bilang consultant sa GMA Artist Center, ang talent arm ng GMA Network, nilinaw naman ni Manahan na hindi siya magdidirek.

"Just consulting with Artist Center and Entertainment," sabi niya.

Sa kaniyang halos 50 taon na sa industriya, si Mr. M ang naging daan para sa pagsikat ng ilan sa pinakamalalaking stars sa Philippine show business.

Si Mr. M ang dating chairman emeritus ng talent agency na Star Magic, na umalis sa ABS-CBN noong 2020.

Sa social media ng GMA Network noong Lunes, nagbigay ito ng pahapyaw tungkol sa isang "pillar of Philippine Entertainment" na magiging Kapuso.

Sinundan ito ng isang istorya sa GMA Entertainment website kung saan ang pillar na ito ng Philippine entertainment ay dati na ring Kapuso pero umalis sa GMA higit limang dekada na ang nakalilipas.

--FRJ, GMA News