Naging emosyonal ang singer na si Zack Tabudlo matapos siyang maitampok sa digital billboard sa Times Square sa New York, USA.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing si Zack ang kumanta ng single na "Binibini," na nag-hit at naging daan para makasama siya sa Global Spotify Radar Artists.

Itinampok din si Zack sa Rolling Stone magazine bilang isa sa international hitmakers na dapat inaalam.

Naging emosyonal si Zack sa Instagram, kasabay ng pagpapasalamat sa karangalan at mga taga-suporta.

"I never imagined myself in a situation like this. In all my years of becoming a musician, this never passed my mind. I never thought this would be possible. A lot of doubts, struggles, and anxiety, goes into the process of reaching your dreams. I can now say that nothing is impossible," saad ni Zack.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News