Mula sa kaniyang hindi magandang karanasan sa American boyfriend na si Ed Brown sa "90-Day Fiancé," blooming at blessed na ngayon si Rose Vega. Kumusta na nga kaya ang kaniyang buhay matapos maitampok sa programa?

Sa "Stories of Hope," itinampok ang vlog ni Rose na nakapagpatayo na ng bahay mula sa kaniyang talent fee na nakuha sa programa.

Vlogger na rin si Rose, at nag-viral ang kaniyang pag-glow up sa kaniyang mala-model na mga larawan.

Bukod dito, iba't ibang tao na rin ang lumalapit kay Rose mula sa creative industry para sa mga collaboration, tulad na ng rapper na si Johan Kyle.

Nakasama rin si Rose sa music video ni Johan na kalalabas lang nitong Hulyo.

"'Yung nangyari talaga sa buhay ko na iba't ibang klaseng opportunities na pumapasok sa akin, iba-ibang klaseng pinapagawa, ginagawa, shinu-shoot or everything na nandito ako sa sitwasyon ko. For me is mga experience na bihirang ma-experience ng nakakarami," sabi ni Rose.

"May mga bagay na hindi ko alam ang kasiguraduhan nito pero go with the flow lang ako," sabi ni Rose.

Tunghayan ang buong kuwento ni Rose at ang naging karanasan niya sa dating nobyo. Panoorin.--FRJ, GMA News