Hindi napigilan ni Barbie Forteza na mag-react nang mapanood ang mga kissing scene ng nobyong si Jak Roberto sa mga naging proyekto ng aktor.

Magkatabing pinanood ng magkasintahan ang mga aksena na matutunghayan sa latest vlog ni Jak.

Pabirong nagbanggit si Barbie na ang title ng vlog ay, "Yeezy o Lente, parang kung ano yung sisirain ko after."

"Parang 'yung Yeezy o yung lente parang gagasgasan ko ng cutter yun yung title mamimili ka lang," biro ng aktres.

Unang ipinakita ni Jak ang kissing scene nila ni Glaiza de Castro sa "Contessa."

"May impact talaga yung eksena niyo power," sabi ni Barbie.

Mayroon ding ipinakitang kissing scene ni Jak kasama naman si Chynna Ortaleza.

"Naramdaman ko yung respeto mo kay Ms. Chynna," puna ng aktres sa nobyo.

Sa isa pang video, si Lauren Young naman ang kahalikan ni Jak sa "Contessa."

"Teka lang teka lang tumingin ka sa s*so," sabi ni Barbie, "Akala mo hindi ka kita nanggigil ako sa'yo eh."

Nang itananggi ni Jak ang hinala ni Barbie, sabi ng aktres,  "Interesado ka sa tela ng robe?"

Nanindigan si Barbie sa kaniyang napuna dahil nakapaibaba raw ang pilikmata ng aktor.

"Ginagawa niya yan sa TikTok eh tapos 'yung pilikmata niya nakababa," ani Barbie. "Baka binabasa mo yung subtitle? Tignan mo yung pilikmata mo talaga."

"Tingnan mo kung san ka nakatingin na naman, alam mo yung mata mo Jan Rommel," patuloy ni Barbie sa pangalan ni Jak.

Ipinakita rin ni Jak ang larawan na hinalikan siya sa pisngi ni Klea Pineda.

Ayon kay Jak, gagamitin ang naturang larawan sa upcoming GMA-7 show na "Never Say Goodbye."

Alam naman daw ni Barbie ang tungkol doon kaya wala siyang "violent" reactions.

Panoorin ang nakaaliw na vlog ng magkasintahan, at mga nakatutuwang hirit ni Barbie sa nobyo.—FRJ, GMA News