Inihayag ni Kylie Padilla na "at peace" at "genuinely happy" na siya matapos silang maghiwalay ng asawang si Aljur Abrenica.

"Okay naman! Okay naman. Kasi nakapaglipat na kami ng bahay, so nakapag-adjust na kami sa kailangang gawin, sa kailangang mangyari," masayang sabi ni Kylie sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.

"I truly am. I mean, puwede naman sabihin na 'I'm happy' just for the sake of it. Pero I'm really, really happy now, masaya talaga ako," sabi pa niya.
Nakatulong daw ang kaniyang pagtatrabaho na nagsilbing theraphy niya sa kaniyang pinagdaanan.

"Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga. I'm at peace now than I was," dagdag pa ng aktres.

Excited na rin daw si Kylie sa unang pagsasama nila ni Andrea Torres sa project na "BetCin" dahil matagal na siyang hindi gumawa ng acting project.

Gustong-gusto ni Kylie ang karakter niyang si Beth.

"There were certain things na mga binasa ko. Sabi ko, 'Naiintindihan ko siya kung bakit niya nagawa 'yung mga nagawa niya.' She's an imperfect person, but she loves for real," sabi niya.

Natanong din si Kylie kung kailan siya muling gagawa ng TV series.

"Ready naman ako anytime, 'yung lock-in taping lang talaga, nakakatakot kasi magko-commit ka. Siyempre 'yung ibang lock-in ang tatagal eh, so panibagong isa-psych ko 'yung sarili ko para malayo sa mga anak ko. Ang hirap talaga, may anxiety akong malayo sa kanila," paliwanag ni Kylie. --Jamil Santos/FRJ, GMA News