Nagbigay ng pahayag si Claire Castro sa mga komento ng ilang viewers na siya na ang bagong "Pantasya ng Bayan" dahil sa kaniyang sexy roles sa "Nagbabagang Luha."

"I'm not sure what 'pantasya' means po, but thank you, whatever it means," sabi ni Claire sa Kapuso Showbiz News.

"Thank you po sa inyong lahat na nanonood, na-appreciate ko po 'yung comments, negative or not," dagdag ni Claire.

Gumaganap si Claire bilang si Cielo sa TV adaptation ng 1988 romantic drama film.

Sa artikulo ng GMA Network, sinabi ni Claire na kabaliktaran niya sa totoong buhay ang karakter niyang si Cielo, pero handa naman siyang sumabak sa daring scenes.

"Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga 'ko manamit, very mahinhin, a little bit bit very opposite po sila ni Cielo," anang Kapuso actress.

"I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy," dagdag pa ni Claire.

Kumportable aniya si Claire sa kaniyang looks at pangangatawan.

"Very opposite po pero I love a good challenge naman and I'm comfy naman with my body and how I look and I'm okay with flaunting it."

 

—LBG, GMA News