Marami ang naaliw sa post ni Jessa Zaragoza sa Instagram tungkol sa hirap ng pagwo-workout.

Sa kaniyang post, makikita sa larawan si Jessie na tila pagod mula sa kaniyang pag-e-exercise.

Saad ni Jessa sa caption ng larawan: "Hirap! [Promise], napakanta ako, 'Parang 'di ko yata kaya.'"

 

 

Ang linyang "Parang 'di ko yata kaya" ay bahagi ng kaniyang hit song noong 1997 na "Bakit Pa."

Bukod sa pagkanta, ipinakita ni Jessa kamakailan sa video ang husay niya sa pagsasayaw.—FRJ, GMA News