Umabot na ng mahigit apat na milyon ang followers ni V o Kim Tae-hyung ng BTS sa Spotify, sa kabila ng dalawa lang ang kanta niya sa catalogue.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kabilang sa mga kanta ni V sa Spotify ang "Ang Sweet Night" mula sa show na Itaewon Class, at "It's Definitely You" na featured naman sa “Hwarang.”

Trending naman sa Twitter Philippines ang #Taehyung4MSpotify at #4MILLIONFORV. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News