Pinaghahandaan na nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal sa Nobyembre, sa kabila ng mga hamon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don't have full control over what's happening around us, pati 'yung protocols, decision ng government, it affects everything," sabi ni Carla sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."

"Pero kahit paano naitatawid naman po so far," dagdag ni Carla.

Oktubre nitong 2020 pa engaged sina Carla at Tom.

Makakasama ni Carla sina Max Collins at Rocco Nacino sa upcoming Kapuso series na "To Have and To Hold." —LBG, GMA News