Ipinakita ni Rabiya Mateo ang kaniyang angking ganda at ningning sa mga huling araw niya bilang Miss Universe Philippines 2020.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita sa Instagram ni Rabiya ang kaniyang pagiging confidently beautiful suot ang kaniyang golden gown.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

"Last day of being your Miss Universe PH. ?????" caption ng beauty queen.

"Madamo nga salamat, Pilipinas! Isang karangalan irepresenta ka," dagdag ni Rabiya.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA News