Nag-trending at umabot ng halos limang milyong views sa TikTok ang dance showdown nina Pokwang at Aira Bermudez.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing tila mapapatanong na lang ang viewers kung sino sa kanila ang tunay na Sexbomb sa talas ng pitik sa dance moves ng comedienne at ng dating Sexbomb dancer.

"I love Aira. Sobrang, alam niya 'yan. 2012 siya na 'yung nagtuturo sa akin ng pole dancing. Pinupuntahan niya ako sa bahay, siya ang aking teacher ng pole dance. Kasi 'yun 'yung mga time na single single pa akez (ako), so kailangan kong magpa-sexy," sabi ni Pokwang.

Hanggang sa magkita sa personal sina Pokwang at Aira sa set ng "Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento," at ginawa na nilang totohanan ang kanilang dance duet.

@mamangpokwang27 Ang paghaharap nila tyang Lilian @airabermudez at aling Tarsing hahahaha #Baile #fyp kapag malayo pa sweldo bumaile ka muna kay @rocsolinap ? original sound - JHOVS (DjFrancine) ????????????????????

Bukod sa halos limang milyong views, meron din itong libo-libong likes.

"Kasi 'yung followers ko rin 'Si Mamang ah! Hindi ka rin naman talaga pakabog kay Aira!' Noong nandu'n kami sa set, sabi ko 'Bakla gawin natin ito, face to face na. Pak!'" sabi ni Pokwang.

"Abangan naman natin with Rochelle. Pak pak! Inaabangan naman natin with Rochelle naman hanggang sa makumpleto na 'yung Sexbomb," dagdag ng Kapuso comedienne. – Jamil Santos/RC, GMA News