Inamin ng "Bubble Gang" babe na si Ashley Rivera na in a relatioship siya ngayon. Pero totoo nga ba na politician o congressman ang kaniyang boyfriend?

Sa programang "The Boobay and Tekla Show," nilinaw ni Ashley na hindi konektado sa pulitika ang kaniyang nobyo.

"Nanggigigil ako kung sino man ang gumagawa ng isyu na ito," birong sabi ni Ashley.

"Hindi ko alam kung bakit laging sinasabi na lagi akong may karelasyon na politician," patuloy niya.

Sinabi ni Ashley na hindi siya nakikipagrelasyon sa politician.

Paglilinaw pa niya, nasa construction at aircon business ang kaniyang nobyo.

Dalawa taon na raw ang kanilang relasyon, at ito na ang longest relationship niya dahil kadalasan daw na one year lang tumatagal ang pakikipagrelasyon niya.

"Usually yearly lang ang contract ko sa mga relationship. Extended contract kami," biro ng sexy actress.--FRJ, GMA News