Diretsahan na tinanong sa "The Boobay and Tekla Show" ang "Bubble Gang" babe na si Analyn Barro kung totoo ba na binasted niya si Sef Cadayona?

Ayon kay Boobay, na isa sa mga host ng "TBATS," ang naturang pambabasted ang umano'y dahilan sa kumakalat na tsismis kaya raw hindi masyadong nag-uusap ang dalawa sa set ng "Bubble Gang."

Pero ayon kay Analyn, good friends sila ni Sef.

"Hindi ano...kami naman ni Sef ay good friends talaga. Walang ganun...walang basted, basted. Good friends nga kami ni Sef," giit ng "Bubble Gang" babe.

Pero nang tanungin si Analyn kung nanligaw sa kaniya si Sef, muli lang sinabi ng Kapuso star na friends silang dalawa.

Aminado naman si Analyn na single siya ngayon.

"Ang tagal ko nang single, dyos ko," ayon sa aktres.

Pero dahil guest din ang isa pang "Bubble Gang" babe na si Ashely Rivera, tinanong ang aktres kung ano talaga ang totoo kina Analyn at Sef. Alamin ang kaniyang sagot sa video.

--FRJ, GMA News