Nominado ang Pinoy boy group na SB19 para sa MTV Europe Music Awards 2021.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nomindo ang grupo para sa Best Southeast Asia Act.

Ang SB19 lamang ang Pilipinong grupo na nominado ngayong taon.

Nakuha nila ang nominasyon matapos mag-hit ang single nila na "MAPA," na pinakapumukaw sa damdamin ng fans.

Meron na ito ngayong 53 milyong views sa YouTube.

Samantala, nakakuha rin ng limang nominasyon ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Pasok naman sa "Video for good" category ang Fil-Am singer na si H.E.R. para sa kaniyang "Fight For You."--Jamil Santos/FRJ, GMA News