Ikinuwento ni Pamela Prinster na natakot siya noon kay Beauty Gonzales nang magkasama sila sa proyektong "Loving Miss Bridgette."

Sa programang "Mars Pa More," tinanong si Pamela kung sino ang taong kinatakutan niya noon dahil sa feeling niya ay susungitan siya.

Sinabi ni Pamela na, "Bago ako mag-lock-in [taping] sa 'Loving Miss Bridgette...' I was really scared of  Beauty Gonzales."

Paliwanag niya, napapanood daw niya noon si Beauty sa role na mataray kaya natakot siya na baka sungitan siya ng aktres.

Pero mali daw ang kaniyang akala dahil sweet na tao si Beauty.

 "I love her now and she's so sweet to me," ayon kay Pamela na nagsabing madalas din silang magpalitan ng message ni Beauty.

"Super vibes kami and she makes me so happy," masaya pang sabi ni Pamela.--FRJ, GMA News