Inihayag ni Carla Abellana na handa na silang magka-baby ng mister niyang si Tom Rodriguez. Pero aminado ang aktres na nagulat siya noong una nang sabihin ni Tom na gawin na nila ito kaagad matapos ang kasal.

"Oo! Yes! Hello?! Oo naman, alam mo naman 'yan!" sagot ni Carla sa "Mars Pa More" nang tanungin ni Tom kung totoo bang handa na siyang magka-baby.

"Bakit nagulat ka nung sinabi ko na 'agad' [after ng kasal]?" diretsong tanong naman ni Tom.

"Hindi! Alam mo naman 'yan" natatawang sabi ni Carla.

"Okey 'yan talagang ready na," ayon pa sa aktres.

Kung si Carla ang papipiliin, gusto niya na dumaan sila sa normal na pagbubuntis kaysa surrogacy.

Samantala, napatunayan naman ni Tom ang sinasabi ng ibang tao na nagiging "bridezilla" ang mga bride.

"Kampante ako, sabi ko 'Ay hindi 'yung sa akin. Sobrang anghel ng magiging misis ko, mabait 'yon. Kaya noong nagkaroon, sinusungitan ako. Sabi ko 'Woah! Totoo pala talaga!'" natatawang sabi ni Tom.

"Pero to be fair sa kaniya grabe 'yung mga pinagdaanan niya. Kasi ito (nakaturo si Tom sa sarili) naman talaga kasi, bakit pandemic nag-propose? Mas mahirap nang magplano ng kasal, lalo ko pang pinahirapan dahil doon," dagdag ng Kapuso actor.

"Dala lang ng stress. Dahil pandemic siya, and pabago-bago ng rules, protocols. It was a very stressful three weeks before the wedding," sabi naman ni Carla.

Ikinasal sina Carla at Tom Oktubre nitong taon. Na-engaged na sila noon pang Oktubre 2020, ngunit isinapubliko nito lang Marso.

--FRJ, GMA News