Sinagot ni Tom Rodriguez ang tanong sa programang "Mars Pa More" kung handa ba siyang magpa-"under the saya" sa asawa niyang si Carla Abellana.

"Oo! Oo! Happy wife, happy life!" sagot ni Tom sa "TaranTanong" segment.

"Pero willingly, gladly and willingly. Ibibigay ko sa'yo ang pantalon," biro ni Tom kay Carla.

At nang tanungin naman si Carla kung naniniwala siya sa sagot ni Tom, "Oo!" ang naging tugon ng aktres.

Naniniwala raw si Carla na maaaring maging "under the saya" si Tom.

"Do you respect a man who is 'under the saya?'" tanong ng male co-host na si Kuya Kim kay Carla.

"Of course naman, karespe-respeto. Whether or not under the saya," sabi ni Carla.

Sa kaniyang wedding vow, sinabi ni Tom kay Carla na "Ako si Mister, ikaw si Madame."

Ikinasal sina Carla at Tom nito lang Oktubre.

Na-engaged sina Carla at Tom noon pang Oktubre 2020, ngunit isinapubliko nito lang Marso.--FRJ, GMA News