Pagdating sa pagiging fit and healthy, ipinakita ng veteran actors na sina Jestoni Alarcon at Roi Vinzon na age is just a number. Ano nga ba ang kanilang sikreto at exercises na puwede nilang maipayo sa mga katulad nilang ama na?

"I do exercises. I eat the right food na tama sa katawan, 'yung healthy food. And at the same time, siyempre kailangan 'yung socials din with friends and bonding time with family. Kailangan kumpleto, kailangan balanse ang takbo ng buhay," sabi ni Jestoni sa "Pinoy MD."

"Fourteen years old, nagsimula ako, hanggang sa nagustuhan na ng katawan ko, hinahanap ko na. 'Yun pala ang maganda 'no, bata ka pa, hanapin mo talaga. 'Pag hindi ka nag-ensayo para kang maysakit," ayon naman kay Roi.

Hanggang ngayon, sinabi ni Roi na wala siyang iniinom na maintenance medicine.

Tunghayan sa "Pinoy MD" ang workouts nina Jestoni at Roi na puwede rin sa daddies. Panoorin.

--FRJ, GMA News