Sa muling pagpirma ni Gil Cuerva ng kontrata sa GMA bilang Kapuso, umaasa ang aktor na makakasama niya sa proyekto ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

"It doesn’t have to be yung [ka] pair niya. Just to be with her in [a] show, I feel like would be really really great would be an honor," sabi ni Gil sa GMA News Online sa panayam.

Bukod kay Bea, nais din ni Gil na makatrabaho si Jasmine Curtis-Smith, na napapanood ngayon sa primetime series na "The World Between Us," katambal si Alden Richards.

Bagaman nalilinya ngayon si Gil sa hosting tulad ng "Taste Buddies," sinabi ng aktor na ang pag-arte pa rin ang gusto niya.

Nitong nakaraang Oktubre, nakatanggap ng pagkilala si Gil at co-host niyang si Solenn Heussaff bilang Best Lifestyle Show Hosts mula sa PMPC para sa "Taste Buddies." Bukod dito, nakamit din ng "Taste Buddies" ang pagkilala bilang Best Lifestyle Show.

"My hunger is still in acting because there’s so much more I can explore about myself. Many more things I want to do when it comes to acting, many more things I want to do," paliwanag ni Gil.

Hangad ni Gil na makagawa pa ng maraming romantic comedy projects— "whether as the leading man, the second lead, the kontrabida, cameo, whatever."

"I think romcoms kasi are a very light and enjoyable show for yung mga Kapuso viewers to watch," ayon kay Gil.— FRJ, GMA News