Inihayag ni Alma Moreno na handa nang mag-asawa ang anak niyang si Winwyn Marquez, at tila nagpahiwatig na mayroon itong dini-date.

Sa "Tarantanong" segment ng Mars Pa More, tinanong si Alma kung sino sa mga anak niyang sina Vitto at Winwyn ang sa tingin niyang handa nang mag-asawa.

"Winwyn!," walang pag-aalinlangang sagot ni Alma.

"Kasi si Vitto (Marquez) bata pa, si Winwyn nasa tamang edad na," paliwanag ng aktres. "Thirty na si Winwyn and ready na siya."

Nang tanungin ng host na si Camille Prats kung papunta na sa pag-aasawa si Winwyn, sinabi ni Alma na, "Basta."

Natatawa naman ang kaniyang anak na si Vitto dahil tila may kahulugan ang sagot, kaya pabiro niya itong nasampal.

"Secret nga, wala akong sinabi. Bakit ka tumawa?" natatawang sabi ni Alma sa kaniyang anak.

--FRJ, GMA News