Inamin ni Sophie Albert na sinisilip niya kung minsan ang cellphone ng kaniyang asawang si Vin Abrenica.

Natatawang paliwanag ni Sophie sa "TaranTanong" segment ng "Mars Pa More" na,  "Kasi may mga narinig akong mga something. [Siniguro] ko lang."

Pero nang tanungin siya ng host na si Kuya Kim Atienza kung may nakita siya sa phone ni Vin na kaniyang naririnig, pabirong umiwas sa sagot si Sophie.

Si Vin naman, tila nag-aalala sa hindi pagsagot ng asawa na baka raw isipin na totoong may nabisto si Sophie.

Panoorin ang kanilang kulitan sa video ng "Mars Pa More."
 

--FRJ, GMA News