Mula sa kaniyang pagiging "Trudis Liit," kuminang ang pagiging beautiful girl ni Jillian Ward sa kaniyang latest photo shoot.

Ito ang caption ni Jillian sa isa sa kaniyang latest Instagram posts, kung saan siya ang endorser ng isang skincare brand.

"Your Trudis Liit is now a beautiful girl," saad niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Bago nito, pinusuan din ng netizens ang larawan ni Jillian na nagbihis bilang ang Disney Princess na si Belle, na kasama si Mrs. Potts Teapot.

Hinangaan din ng maraming netizen ang balingkinitang baywang ni Jillian, habang nagpu-pose ang Kapuso teen actress sa kaniyang bagong "baby" na BMW.

Inaasahan na rin ang pagbabalik ng Prima Donnas sa Book 2 nito ngayong Enero. – Jamil Santos/RC, GMA News