Ganap nang mommy ang classical singer na si Gerphil Flores matapos magsilang ng baby boy sa Amerika. Si Gerphil ang naging second runner-up sa "Asia's Got Talent" noong 2015.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng German-Filipino singer na isinilang niya ang panganay nilang anak ng mister na si Brad Libanan.

Makikita rin ang larawan ng kaniyang little “bundle of joy,” na may hashtag na #BabyBoy.

“Starting the year 2022 with a new chapter in my life,” saad ni Gerphil sa caption.

“My husband and I are thankful and blessed to have our little bundle of joy. Thank you Lord!”

 

 

Tinawag noon si Gerphil, na “Asia’s Golden Girl,” matapos siyang makatanggap ng "golden buzzer" mula sa judge na si kay David Foster, sa inaugural season ng “Asia’s Got Talent.”

— FRJ, GMA News