Nagtapatan ang mag-amang Wendell at Saviour Ramos sa isang segment ng "Mars Pa More," kung saan nagpalitan sila ng mga tanong sa isa't isa.

Kabilang sa itinanong ni Saviour sa kaniyang ama ay kung papayag na si Wendell na magkaroon na siya ng sariling pamilya ngayon.

Pero "hindi" ang naging tugon ni Wendell sa anak.

Tinanong din ni Saviour ang ama kung sino ang gusto nitong maging leading lady niya kung bibida siya sa isang proyekto.

Pag-amin ni Wendell, wala siyang maisip sa sandaling iyon.

Kung naging magkaklase naman, tinanong ni Saviour ang ama kung magkakasundo kaya sila o magkakasuntukan?

Natatawang sagot ni Wendell, "Puwedeng makasundo, puwede ring makasuntukan. And then magkasundo na."

Nang si Wendell naman ang magtanong, tinanong niya ang anak kung mayroon siyang isang habit na kinaiinisan nito at ng kaniyang mga kapatid.

Sinabi ni Saviour na mayroon.

Pero nang ipaliwanag ni Saviour kung ano ang naturang habit ng ama, ipinagtanggol ng host na si Kuya Kim Atienza kung bakit nagagawa iyon ni Wendell.

Ayon pa kay Kuya Kim, mauunawaan ni Saviour ang lahat kapag nagkaroon na rito ito ng sariling anak at maging isang ama na rin.

Kung ano ang tinutukoy ni Saviour na habit ng ama, panoorin ang video ng "Mars Pa More," at alamin kung gaano kamahal ni Wendell ang kaniyang mga anak. 

--FRJ, GMA News