Nagpakasal na ang mag-partner na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores.

Nagbahagi ang aktor sa Instagram stories ng mga larawan at video ng kanilang intimate Christian wedding.

Nag-post din ng larawan sa IG ang pastor na si Bodie Cruz, anak ng aktor na si Tirso Cruz III, na kasama ang bagong kasal.

“It was a privilege sharing this milestone with good family friends. Celebrating with you in your new season, Geoff and Geli! Declaring God’s abundant blessings for your marriage,” saad ni Bodie.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bodie Cruz (@bodiecruz)

 


Abril 2019 nang maganap ang engagement nina Geoff at Maya.

Mayroon na silang tatlong anak na sina Arabella, Angus, at Pepper.

Si Geoff ay anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

– FRJ, GMA News