Ibinahagi ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang naging karanasan niya sa nakaraan niyang "toxic relationship."

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Faith na may aral siyang natunanan kahit hindi naging maganda ang karanasan niya sa nakaraan  niyang karelasyon.

Ayon sa aktres, siya ang tao na handang ibigay ang kayang ibigay kapag pumasok sa isang relasyon--romantic man o friendship.

"[Kung] Kaya kong ibigay, binibigay ko lahat, which is most of the time wrong. Kasi now I've learned that we should have boundaries," sabi ni Faith.

"Hindi rin lang sa relationship dati but with our family members as well, any relationship," patuloy niya.

Inilarawan ni Faith na "toxic" ang nakaraang relasyon na pinasok niya. Pero dahil mahal na mahal niya ang tao nang panahon na iyon, hindi umano niya napansin na napabayaan na niya ang kaniyang sarili.

"Since masyado yung pagmamahal na nararamdaman ko sa tao na 'to I was losing myself. But at the same time, hindi ko maiwan ang sitwasyon because I do love the person," paglalahad niya.

Pero ang sarili na rin daw niya ang nakapagpamulat sa kaniya na kailangan na niyang putulin ang naturang toxic relationship.

"I think ang nakapagpagising na lang dun sa akin hindi yung sinasabi ng mga kaibigan ko na layuan ko na, o sinasabi ng pamilya ko," saad niya.

"I think tayo kapag napuno na tayo at nare-realized natin na maraming puwedeng pang mangyari sa buhay natin, at hindi naman umiikot [lang] yung mundo natin sa relationship natin, that's when I realized na I think its time for me to let go," pagbabahagi pa niya.

Sinubukan naman daw niyang isalba ang relasyon  pero sadyang hindi na umano puwedeng maisaayos.

Payo niya sa iba, dapat tumingin din sa labas ng isang relasyon para mas maging malawak ang pananaw para din sa sarili. 

--FRJ, GMA News