Ikinatuwa ni Dingdong Dantes nang sorpresahin siya ng kaniyang mag-inang sina Marian Rivera, Zia at Ziggy sa set ng "Family Feud," kung saan siya ang pinakabagong game master.

"Kasi parati kapag nagpapaalam ako, 'Saan ka pupunta daddy?' Sabi ko 'I have to go to work.' 'Where is your work?' Sabi ko 'Sa GMA!'" kwento ni Dingdong tungkol sa usapan ng kanilang mga anak sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes.

Ayon kay Dingdong, priceless ang reaksyon ni Sixto nang makita ang smoke effects sa studio.

"Medyo nagulat nga siya doon sa smoke effect kasi ang lakas ng pyro eh. Nagulat siya, hanggang pag-uwi hindi niya makalimutan. 'There is white smoke in dad's work! Wow!' Astig, manghang mangha siya," sabi ni Dingdong.

Muling mapapanood sa Kapuso Network ang Family Feud na isa sa pinakasikat na game show mula sa Amerika, simula Marso 21 bago mag 24 Oras.

Sinabi ni Dingdong na at home siya sa Family Feud dahil mas naipakikita niya ang kaniyang kwelang personality.

"Kung paano siguro ako mag-conduct ng isang laro sa aming bahay, gano'n din kasi talagangkino-consider ko 'yung stage na 'yun as my home," anang Kapuso Primetime King.

Very proud din si Dingdong sa kanilang world-class studio, pati na rin ang mga level up na set at prices.

Bukod sa family players, maaari ring manalo ang team bahay families dahil pwede silang makisagot sa mga survey at manalo.

"P300,000 ang ipamimigay every night from Monday to Friday," sabi ni Dingdong. — Jamil Santos/VBL, GMA News