Masaya at malaking bagay para kay Bea Alonzo na magiging bahagi siya ng "Dapat Totoo," ang comprehensive election coverage ng Kapuso Network.
"It feels good and I'm so happy that GMA is actually doing this. They are being proactive ngayong eleksyon dahil sa tingin ko, may responsibilidad tayo na i-encourage ang bawat Pilipino bilang mga botante na magkaroon ng well-informed decision sa May 9," sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles.
Sinabi ni Bea na isa sa kaniyang mga prayoridad ang mahikayat ang mga tao na maging matalino at totoo sa kanilang ibobotong kandidato.
"Maganda na ine-encourage natin 'yung bawat botante na maging totoo sa kanilang sarili, maging totoo sa pagdedesisyon nila, maging totoo para sa ating bansa," sabi ni Bea.
Bibida si Bea sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean series na "Start-Up."
Inihayag ng Kapuso actress na kumportable na siyang makipagtrabaho kay Alden Richards. —Jamil Santos/VBL, GMA News
