Masaya si Andrea Torres na makasama muli ang kaniyang 'Pasional' film family nang dumating ang cast at crew nito sa Pilipinas.

Sa Instagram, nag-post si Andrea ng group photo kasama ang co-star niyang si Marcelo Melingo para sa upcoming Argentinian film na "Pasional."

"Welcome to the Philippines Pasional La Pelicula," sabi ni Andrea sa caption ng larawan.

 

 

May hiwalay na post din si Marcelo na nagpapahayag ng kaniyang kasiyahan na makitang muli ang Kapuso actress.

Nasa Pilipinas ang grupo para sa mag-shoot ng bahagi ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Andrea.

"My reunion with the great @andreaetorres at @gmanetwork. Happy to start this second stage of filming, this time from the Philippines," anang aktor.

Noong nakaraang Nobyembre, nagtungo si Andrea sa Argentina para sa shooting ng pelikula.

Gagampanan niya rito ang papel ng isang Filipina tango dancer.

Ang "Pasional" ay collaboration ng Filipino at Argentinian producers, pati na ang GMA Network. —FRJ, GMA News.