Sa mga hindi makakapanood ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa April 30, walang problema dahil mapapanood ito sa GMA-7 sa May 1.

Ayon sa MUPH Organization, ipapalabas sa GMA-7 ang koronasyon sa May 1, sa ganap na 9:00 am hanggang 12:00 pm.

 

 

Magaganap ang pagpapasa ni reigning queen Beatrice Luigi Gomez sa SM Mall of Asia Arena.

Si Miss Universe queens Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, at Demi-Leigh Tebow ang magiging hosts ng event.

Isasagawa ang preliminaries sa April 27 sa The Cove Manila.— FRJ, GMA News