Nagtipon ang limang stunning beauty queens sa Pilipinas para sa Miss Universe Philippines 2022.

Sa isang Instagram reel ng Miss Universe, mapapanood na literal na nagpasahan ng korona sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow, Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu.

Nagkomento rin si Miss Universe 2020 Andrea Meza na hiling niyang nasa Pilipinas siya.

Tatlumpu't dalawang kandidato ang magpapaligsahan para sa korona ng Miss Universe Philippines 2022.

Ngayong Sabado na ang coronation, na mapapanood naman sa Linggo ng 9 a.m. sa GMA. – Jamil Santos/RC, GMA News