Inihayag ni Pauleen Luna sa isang post niya sa Instagram ang pagmamahal sa kaniyang mister na si Bossing Vic Sotto.

Pinagsama ng Eat Bulaga dabarkads na si Pauleen ang tatlong video nila ni Vic para sa magawa ang super sweet Instagram Reel na nagpapakita kanilang pagmamahalan.

“This is you, this is me, this is all we need,” ani Pauleen.

Sa isang video, makikita si Vic na nagpa-flying kiss kay Pauleen na nasa eroplano.

Sa isa pang video, nagbibigay naman ng inumin si Pauleen sa kaniyang mister.

Sa ikatlong video ay makikita ang kanilang sweet kiss habang nasa background ang magandang talon o falls.

 

 

“Still so madly inlove with you @mzet280 [Vic],” saad ni Pauleen sa caption.

Ipinagdiwang ng “Eat Bulaga” hosts ang kanilang sixth wedding anniversary ngayong taon.—FRJ, GMA News