Sinabi ng veteran actor na si Joey Marquez na engaged na ang anak niyang si Winwyn at non-showbiz partner nito.

Sa Media conference ng upcoming series na “Bolera,” sinabi ni Joey na ibinigay na niya sa dalawa ang kaniyang basbas para sila magpakasal.

“Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman yun dahil childhood sweetheart niya, e,” ani Joey.

Sinabi pa ng aktor na noon pa magkakilala sina Winwyn at nobyo nito, at mag-best friend din ang dalawa.

“Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon, Nagpribado ang isa, tapos nagkita ulit,” kuwento ni Joey.

Nang tanungin kung kailan ang kasal, sinabi ni Joey na gagawin ito ngayong taon.

Kamakailan lang ay isinilang ni Winwyn ang first baby nila ng kaniyang nobyo na si Luna.— FRJ, GMA News