Inihayag ni Paul Salas ang pagiging seryoso niya kay Mikee Quintos.

Sa episode ng "Suprise Guest With Pia Arcangel," ikinuwento ni Paul na nagsimula ang magandang pagtitinginan nila ni Mikee sa dati nilang project na "The Lost Recipe."

"After lang doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng 'dating' side na," anang binati.

"Nakita lang din namin ang connection namin na minsan 'pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun," patuloy niya.

Hindi naman daw sila nagmamadali pero nasa isip nila ang pangmatagalang relasyon.

"Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga pa-25 na po ako, so gusto ko parang kung ito naman, gusto ko ito na 'yung last," sabi ni Paul.

Dati nang naugnay si Paul kina Barbie Imperial at J-pop singer Taki Saito.

"Talagang tinanggap lang din namin na hindi kami magwo-work," patungkol niya sa relasyon nila ni Barbie.

"Kumbaga ginawa na lang namin as marami kaming natutunan na lessons doon ganun, para sa next na ibibigay ni God na relationship," dagdag ni Paul.

Samantalang kay Taki, naging mahirap umano ang long-distance relationship nila dahil sa COVID-19 pandemic.

Tungkol kay Mikee, makikita sa IG posts nila ni Paul ang kanilang sweet photos and videos.

Sa isang larawan, kumakain ang dalawa at nilagyan ni Paul na poetic caption.

"Para kang anghel na umaawit sa langit aabutin kita kahit maraming balakid kasi mahalaga ika'y mapasa'kin," anang binata.

 

 

Sa isa namang video, tila nagpahiwatig ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Panoorin.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

 

—FRJ, GMA News