Bukod sa nakasamang muli nina Lorin at Venice ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas sa Istanbul, naka-bonding rin ng mga anak ni Ruffa Gutierrez ang kanilang half-sister na si Ilknaz Bektas.

Labis ang saya ng magkapatid dahil nakapiling nilang muli ang kanilang ama pagkaraan ng 15 taon.

Sa Instagram, nag-post naman si Ilknaz ng larawan na kasama niya sina Lorin at Venice, at tinawag niya itong "the happiest day of my life."

 

 

Sa larawan, napapagitnaan si Ilknaz nina Venice at Lorin. Tanaw sa background ang magandang view ng karagatan.

“Have fun, girls!!” sabi ni Ruffa sa comment sa post ni Ilknaz.

Nagkomento rin sina Lorin at Venice sa post ng kanilang kapatid ng white at pink hearts.


Nag-post din si Ilknaz ng mga larawan habang tila ipinapasyal niya sina Lorin at Venice sakay ng yate.

 

 

— FRJ, GMA News