Agaw-pansin sina Alden Richards at Ruru Madrid, na mga itinanghal na "best dressed men" sa Mega Ball.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing nakuha ni Alden ang tema ng event na "glam rock," na nakaporma sa kaniyang beaded black suit na may kasamang tie waist na gawa ni Francis Libiran.

 

 

Si Ruru naman, kita ang kaniyang dibdib sa kaniyang blush suit na may speckles of shimmer.

 

 


Dumalo rin sa Mega Ball ang ibang Kapuso stars tulad nina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at Bianca Umali.

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

 

Muling nagbabalik ang Mega Ball matapos ang dalawang taon na hiatus dahil sa COVID-19 pandemic.—Jamil Santos/FRJ, GMA News