Binigyan ng parangal si Kuya Kim Atienza bilang isa sa mga Most Outstanding Manilans.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ginawaran ang Kapuso host dahil sa kaniyang kontribusyon sa media industry.

Ang paggawad sa 10 Most Outstanding Manilans ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-451 founding anniversary ng Maynila ngayong Biyernes.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim para sa natanggap niyang pagkilala.

"Nagpapasalamat ako sa siyudad ng Maynila for giving me the Outstanding Manilan Award for Media. Isang malaking karangalan because the highest award that a Manilan can receive is the Outstanding Manilan award," sabi ni Kuya Kim. —Jamil Santos/VBL, GMA News