Ipinasilip ng ex-husband ni Michelle Madrigal na si Troy Woolfolk ang kanilang modern family setup sa isang Instagram post.

Sa larawan, makikita na kasama nina Troy at Michelle ang kanilang anak na si Anika. Kasama rin ang kasalukuyang nobyo ng aktres at ang dalawa nitong anak sa dating karelasyon.

“Co-parenting at its finest,” sabi ni Troy sa caption.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Michelle ang tungkol sa kaniyang boyfriend ngayon, ilang buwan matapos maaprubahan na ang  diborsiyo nila ni Troy.

Isang taon na rin ang makararaan nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.

Suportado naman ni Troy si Michaelle at tinawag niyang “cute couple” ang dalawa sa isang post ng picture ng aktres, habang kasama ang bagong nobyo.—FRJ, GMA News