Engaged na ang vlogger na si Cong TV, o Lincoln Velasquez sa tunay na buhay, at ang partner niyang si Viy Cortez.

Sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing sinurpresa ni Cong si Viy sa araw ng binyag ni Baby Kidlat.

Sa vlog ni Cong TV, tinanong ni Cong si Viy ng "Love, will you marry me?" dahilan para maghiyawan ang mga dumalo sa party.

 

Matapos nito, lumapit si Cong, lumuhod at ipinakita ang engagement ring kay Viy.

Naging emosyonal si Viy sa kaniyang reaksyon, bago nagbiro na pag-iisipan pa niya ang kaniyang isasagot kay Cong.

Ayon naman kay Cong, matagal na niyang gustong mag-propose kay Viy at naghahanap lang siya ng tamang tiyempo.

Kalaunan, isang matamis na "Oo" din ang ibinigay ni Viy, kasama ang isang yakap kay Cong.

"Yes love!????  Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko????" caption ni Viy sa kaniyang Facebook post tungkol sa kanilang engagement ni Cong.

 

—LBG, GMA Integrated News