Hindi pa rin maka-get over ang fans sa nag-viral na sagot ni Mavy Legaspi na "hotdog" sa Family Feud, kaya sinulit nilang makipagbiruan at tanungin ang aktor ng "1+1" habang nasa mall.

Ito ang ibinahagi ni Mavy sa kaniyang Twitter, kung saan naglalakad siya sa mall nang maalala ng isang fan ang kaniyang viral video.

"[W]as walking around the mall and then someone said… “MAVY, 1+1?” ????" caption ni Mavy.

Matatandaang naging guest player si Mavy sa Family Feud, at tinanong tungkol sa mga madalas na birong sagot kapag tinatanong ng "1+1" ang isang tao.

Sa halip na sumagot ng Magellan o 11, sumagot si Mavy ng "hotdog."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Naging usap-usapan ang kaniyang sagot na ikinatuwa ng netizens.

Nagkomento pa si Mavy tungkol sa kaniyang viral na sagot.

"feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh… ????" 

 

 

—LBG, GMA Integrated News