Sa Instagram post, hiniling ni Claudine Barretto sa kaniyang followers na ipagdasal siya sa pagsailalim niya sa thigh operation.

“Wish me luck and pray for me,” saad ni Claudine sa video na kaniyang ipinost.

“[Please] pray for a safe operation for me. [Love] you, my Palanggas,” pahayag niya sa caption.

 

 

Ibinahagi rin ng aktres ang video habang dinadala siya sa Operating Room. Nagbibigay umano siya ng update pagkatapos ng operasyon.

Batay sa Instagram feed ni Claudine, apat na araw na ang nakararaan nang dinala siya sa ospital. Nilinaw niya na wala siyang COVID-19.

Kabilang naman sa mga nagpaabot ng mensahe sa agad niyang paggaling sina Baron Geisler, Princess Punzalan, at Lorna Tolentino. —FRJ, GMA Integrated News