Sa nalalapit na kaarawan ng kaniyang namayapang kapatid na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, bumati at humingi muli ng paumanhin si Kris Aquino sa kaniyang kuya dahil sa pagiging “brat” niya noon at nasayang na mga taon.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Kris ng mga lumang larawan ng kanilang pamilya, na sinabing maaga na siyang bumati para makabawi mula noong nakaraang taon na hindi siya naka-post dahil “too emotional to post” siya.

"I’m sorry Noy for being a brat and wasting years," pagbati ni Kris.

"I’m sorry na nagpaka-spoiled na nga May 18, 2021 para masilip ka. For once nag-obey ako sa strict bilin ng doctor, when I should have been the REAL me & barged in para nayakap kita," pagpapatuloy ng Queen of All Media.

Binanggit din ni Kris na paborito ng kaniyang kuya ang anak niyang si Josh, at kung paanong alam nitong lagi siyang pinanonood ni Josh sa YouTube.

Sa pagbabahagi niya ng kaniyang medical update, sinabi niyang humingi siya ng pabor sa kaniyang kuya.

"Since mahilig kang mag-regalo pag birthday mo, I know you, mom, and dad know maraming na 'flag' based on my latest tests, and medyo matindi the immunosuppressive therapy that I'll need. Plus the 6 month-isolation period after the 1st cycle, regardless of what my doctors will choose. Bunso needs her FAITH to remain strong," ani Kris.

"Thank you for everything I never thanked you for," dagdag niya. "I hope you've noticed I'm more private now. I've seen the wisdom in quietly enduring my physical suffering — just like you, because that's what courage is all about."

Nagpasalamat si Kris sa mga patuloy na nananalangin para sa kanila.

"Happy 63rd birthday to the best Kuya any bunso could've wished for," kaniyang pagtatapos.

Ipagdiriwang ang kaarawan ni Noynoy sa Pebrero 8.

 

 

-- FRJ, GMA Integrated News